Tumango at makisang-ayon sa pakikinig ng isang kalagayang hango sa perspektibo ng nagkukuwento. Ang pagpapamulat sa iba pang aspeto ng kwento ay minsay naghuhudyat ng saradong isipan sa pagtanggap nito. Tumango at makisang-ayon sa pakikinig na may kasamang ngisi. February 24
================
"Kung sino man ang gumagawa ng pagpapakita ng kasiraan ng iba ay sumasalamin ng pansariling kakulangan sa buhay na sapilitang itinatago upang iba ang mapansin o makita at hindi sila." March 21
================
Malaki ang naitutulong ng mga dokumentong naitago na nagpapatunay ng katotohanan laban sa inakalang pangyayari ng iba na nagmumukha ng palusot para lang maisalba ang sarili sa tila 'di matanggap nilang pagkakamali. April 3
================
"Madaling magpatawad sa nagawang kasalanan,
Ngunit ang panaho'y kulang upang ito'y makalimutan.
Isa itong gabay na ayaw ng maranasan,
Na umulit ang kalagayan na nakapagpasugat ng kalooban."
- mula sa isang malikot na isipan July 12
===============
Nag-iisip at dumadaing noong gabing nakaraan,
Kung ano ano lang naman, ngunit mabigat ang nilalaman;
Sa gawaing ito, nakakapagpagal pala ng katawan,
Kayat ipinagpabukas na lang ang bigat na tangan tangan.
Sa pagmulat ng mata, isang kasagutan agad ang nakuha,
Makalipas ang ilang oras, isang alok na hindi hiningi ang bumulaga;
Bago matapos ang araw nadagdagan pa ang tila isa pang gantimpala,
Ang kasagutan nga naman, mabilis, at ihinahain agad NIYA.
- Mapagpaubayang Kawal September 10
=============
Unti-unti mo na bang pinuputol,
Ang tali sa punong kahoy na buhol-buhol?
Ipapakikita na sarili mo itong hatol,
O pwedeng may katabi kang nanuhol?
Paano pa nga ba ipagpapatuloy,
Ang pagkakagapos ng tali sa punong kahoy?
Mababakli at mababakli rin naman ito,
Dahil sa mga anay na halintulad sa iyo.
- Ang Tali sa Punong Kahoy October 6
=================
Sa paglipas ng isa na namang taon,
Ang mga panahon na nagdaan ay tinanggap ng mahinahon;
Naialis o nawalis ang mga nagkalat na tuyong sanga't dahon,
Habang sinisilayan ang mga bulaklak sa dapit hapon.
Ang lahat ng mga ito ay nakakagawian na,
Kahit ano man ang mangyari, kahit saan man ito banda;
Nakakatindig pa rin basta't may pananampalataya,
Naway sa mga susunod na taon, nandirito pa rin, humihinga. about 2 months ago
Sa paglipas ng isa na namang taon,
Ang mga panahon na nagdaan ay tinanggap ng mahinahon;
Naialis o nawalis ang mga nagkalat na tuyong sanga't dahon,
Habang sinisilayan ang mga bulaklak sa dapit hapon.
Ang lahat ng mga ito ay nakakagawian na,
Kahit ano man ang mangyari, kahit saan man ito banda;
Nakakatindig pa rin basta't may pananampalataya,
Naway sa mga susunod na taon, nandirito pa rin, humihinga. about 2 months ago

No comments:
Post a Comment