Wednesday, December 18, 2013

KWENTO NG ISANG GURO AT ESTUDYANTE

Isang text ang natanggap ng guro."Sir, bakit po ganun ang grade ko? (Sinabi ang pangalan at section)"


Hindi muna nagreply ang guro, wala naman kasi sa tabi nya ang record book at ang soft copy naman, nasa laptop nya sa bahay.


Makalipas ang ilang oras, nag txt uli ang estudyante. Nagtatanong na may halong pagkaduda sa grade nyang natanggap. Bakit daw ganun? Ang grade nya sa isang term ay 72, tapos 74, tapos ang final grade ay bagsak?

Luckily, nasa bahay na ang guro kaya he turned his laptop on to check the inquiry.

The teacher politely replied, explaining na sa isang term, ang grade nya ay 64 at hindi 74, kaya di na nahigit pa na makapasa sa final grade, kasi nga, bukod sa di ipinasa ang final exam, marami pang quizzes ang di rin ipinasa.

The student replied, insisting na hindi daw yun ang grade nya, 74 daw ang naipakita ng guro sa kanya noon.

Napakamot ng ulo ang guro, kahit sigurado sya sa kanyang nakita sa kanyang laptop, siniguro pa rin niya ulit ang pagtingin. This time, lahat ng pinanggalingan ng print-out na ipinakita sa kanila noon, at ang mga opisyal na grade ay masusi pa rin niyang sinuri. Ganoon talaga ang grade.

Inalam ng guro kung papaano nasabi ng estudyante na ang naipakita daw nya sa estudyante ay 74?

Ayun! Kaya pala, ang 74 na nakita ng estudyante ay isang component ng grade, na ang katabi nito ay ang term grade na 64.

Ipinaliwanag pa rin ito ng guro sa estudyante sa pamamagitan ng text.

Natanggap naman ito ng estudyante, at nagpaulan ng tatlong sunod sunod na text, nagmamakaawang ipasa daw sana sya.

Hindi na kinayanang sagutin ng guro ang text. Maaring dahil sa inis, pagkayamot o awa?

"Masakit sa mga guro ang magbigay ng bagsak na marka sa kanilang mga estudyante. Pero, kailangang maintindihan rin sana nila na ang grades ay hindi tawaran ng presyo sa Divisoria, na puhunan na ngang ibinebenta, tinatawaran pa."


October 29

No comments:

Post a Comment